Chris Cornell - Billie Jean

The Farthest Point From The Sun

Free Hit Counters
Free Hit Counters

August 27th, 2008

The Tuesday Room

Natouch naman ako nung nakita ko yung survey na sinagutan ni Leah:

19. Which of your friends would make the best room mate?
♥ cLa janni boi
Geeee.....salamat bakla! ^_^
Eto dahilan bakit namimiss ko Tuesday Group.
At magpasalamat na lang tayo sa Diyos dahil kahit kelan, hindi pwede mangyaring maging roomates tayo.
Mamamatay tayo ng maaga dahil sa Liver at Lung Cancer.

++

Kanina narinig ko daddy kong nagsalita ng malakas sa tapat ng TV:

"Ano nanaman kaya buhok niyang kadiring yan?"

At nanonood siya ng The Singing Bee. So tiningnan ko sino yung sinasabi niyang kadiri.

Tumambad sa mukha ko yung isang lalakeng(?) back-up singer na gravitationally challenged, maitim, at kulot.

No comment. At oo, pintasero daddy ko.

++

Natapos ko na den ang Final Fantasy Crisis Core at naiinis ako sa Ending.

Anlungkot kasi. Pwede namang walang namamatay diba?

Kumbakit ba kasi ang mga Asyano laging nabibighani sa mga kwentong may elemento ng kamatayan.

Kasalanan yan ng Endless Love e.

At kung papipiliin mo ako, mas gugustuhin kong bida si Zack kesa kay Cloud.

Masyado kasing gwapo si Cloud...gaya nga ng sabi ni longherr,

Isa yan sa mga dahilan bakit dumadami ang mga batang bakla.

Unang factor daw kasi ang Sexbomb Dancers.

Owwwkei. May sense.

++

Speaking of longherr, talo nanaman ako.

Galing bumawi eh.

Mantakin mong hindi nga nagtext buong araw.

Hindi din naman ako magpapatalo kasi ako nga yung nabubwisit...

Pero pramis, nakakatiwang.

So nagtext ako ng "huy."

Reply sakin: "TALO KA BOY."

Lord, konting pasensiya pa po...PLEASE.

++

Napanuod ko kagabi yung Probe.

Wala lang, medyo natuwa ako dun sa mga taga Tondo

Na nag bebeatbox at naglalaban ng Freeverse.

Ika nga, buti na daw na sa pagRaRap nalang sila naglalabanlaban

Kesa sa Riot.

Haay...mas gugustuhin ko paren yung madugo

Pero, sige. Masaya yan

Nang pare-pareho tayo maghirap dahil sa

Over-population.

 

 

Posted by bacchanale at 11:20 PM | 4 Granted Salvatio

bacchanale requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on August 29th, 2008 at 01:25 AM
nagun, alam ko na kung san mo hinuhgot ang mga entry mo :D
Comment posted on August 29th, 2008 at 05:55 PM
adik ka. san. sa kanya? sorry linantakan niya (namin) yosi mo. babawi na lang ako.

sayang wala si wye kahapon...tsk.
Comment posted on August 28th, 2008 at 09:32 PM
"Ano nanaman kaya buhok niyang kadiring yan?"

hehehe..natuwa naman ako sa daddy mo!
Comment posted on August 29th, 2008 at 05:57 PM
hahaha kahit ako nabigla. anlakas nung pandidiri niya e. =)
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links