Chris Cornell - Billie Jean

The Farthest Point From The Sun

Free Hit Counters
Free Hit Counters

August 26th, 2008

Higpit A.

Gusto kong kanta sa kasal ko November Rain.

Tapos ipapa-emphasize ko sa kakanta yung linyang:

"Sometimes I need some time...on my
own
Sometimes I need some time...all alone
Everybody needs some time...
on their own
Don't you know you need some time...all alone"

Hindi naman sa nagrereklamo ako, no...pero please naman...

Malapit na magkapalit mukha naten.

Ang hirap ng ganito...

Oo...ginusto ko 'to diba. Sobrang eto yung dahilan bakit ako tormented ng ilang Linggo noon dahil sa maling akala...

PERO NAMAN. Hindi naman ibig sabihin ng paghingi ko ng konting oras para sa sarili ko, eh hindi na kita mahal.

Nasasakal lang ako.

Ayan a. Plain and simple:

Konting Breathing Room lang...

++

Kagabi pinaalala niya sakin yung isang text ko nung nagseself-destruct ako habang umiinom ng alak:

"Lhat kakalimutan ko para sayo...Tangina lhat ng longherr sa mundo."

APIR.

Hindi ko maintindihan ang tao pag nakaka-inom. Naghahanap ng sariling ikakapahamak nila.

Pagnawewengwang na, biglang maglalabas ng cellphone, magtetext sa kanilang Source of Agony.

Ang loser.

Oo na, loser na ako.

Kaya nga hindi na ako masyado umiinom ngayon. Tapat na ang 4 na bote.

++

Nahahaggard nanaman ako, kinulayan ko kuko ko ng orange.

So pokpokPonkan.

Kasi naman sobrang hindi ako yung babaeng dapat ikulong. Oo, aaminin ko naman na gaga ako diba pero takot na ako sa Karma.

Bakit ko gagawin sa'yo yung mga bagay na ayaw ko gawin sakin ngayon AT kilala mo ako:

Mapaghanap ako ng thrill PERO BOY MAY KONSENSIYA NAMAN NA AKO.

Eto na yata yung sabi mo noon na ikaw KRYPTONITE ko.

Wala nakong kalaban-laban.

Haaaaay.

Posted by bacchanale at 10:11 PM | Cleanse me

bacchanale requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links