ok, alam kong napakasama nitong gagawin ko pero nung nakalipas na araw, nagsisimulang maglaro utak ko at ang aking alter-ego na si Doofie.
may teorya ako gaya ng sabi ko noon: ang nangyari sa WOWOWEE ay isang anyo ng MASS GENOCIDE - ibang version nga lang. at mas malala, marahil...
si Willie ay isang pinuno ng kulto. ang kultong walang kahiya-hiyang kumakanta ng mga NOVELTY SONGS na MALAMANG, pag binack-mask mo, ay may mga nakatagong mensahe ukol sa pagtalikod sa kamunduhan at i-alay ang pera sa organisasyon.
unang patunay: PAANO mo mapasasayaw ang mga tao sa saliw ng nakakalokong awitin tulad ng BOWOWOW at ang WOWOWEE Theme Song na tiyak na nakakawala ng moralidad? oo, siguro sasabihin mo, dahil ang mga pilipino ay naging desperado na sa atensiyon ng kamera...o kaya ng mga banyagang nanonood...PERO...hindi pa rin tama diba?
- mas mukhang tanga, mas maganda.
ikalawang patunay: BAKIT ang mga TFC subscribers na dumadalaw ay walang pakundangang iniaabot ang limpak-limpak na salaping banyaga para lang makabati sa kanilang nanay na taga Bicol o Sorsogon?
- ito 50,000...paki sabi kay JUNJUN hindi ako nakabili ng computer para sa project niya, pero, 'tis all good, baby! i'm on WOWOWEE!!!
ikatlong patunay: kapag PERA o BAYONG na, tumitining ang boses ni Janelle kasabay ng pagkamalikot ng lahat ng tao sa studio; mga taong hindi mapirmi, nagsisigawan sa galak, at tila mga molecules ng anyo ng matter na GAS.
ang aking konklusiyon sa nakaraang patunay--siguro, tulad ng mga DOLPHINS, may lebel ng desibel na kailangang abutin si Janelle para magsanhi ng complete chaos at incoherence sa mga utak ng mga tao sa studio.
+
+
ang nangyari nung nakaraang araw sa ultra ang ultimate goal ng kultong WOWOWEE. nangmakapag-ipon na sila ng sapat na dami ng mananampalataya, oras na para maghain ng sakripisyo sa ikagagalak ng kanilang PINUNO na si WOWOWILLIE at ng kanilang diyos na si GABBY LOPEZ.
pinalabas nilang aksidente ang lahat. pero kung iyong mapapansin, halos BABAE at BATA ang mga namatay. bakit kamo?
1. kasi ang mga lider ng kulto ay may hilig sa sariwang obaryo ng kapapatay na babae.
2. ang mga bata ay inosente at nakapagpapanatili ng walang hanggang buhay.
-- teorya ko lang ang mga ito...siguro dahil sobra na ang insomnia ko, o malamang dahil ayoko na sa aking kurso at nakukulong na ako sa aking iskwelahang pulpol.
pasensiya na sa mga masasaktan dahil sa entry na ito ngunit ito'y sariling PANINIWALA at OPINYON.
pahabol:
ang mga KURIMAW BOYS (yun ba tawag sa kanila?) ay ang mga alagad at mensahero ng kultong ito. ang pagbibihis THRASHER ay mahigpit na PINAPATUPAD ng relihiyon para sa kanila upang mapanatili ang UNDERCOVER NATURE NILA. marami na daw kasing PUNK ROCKERS sa panahon ngayon.
at HIGIT SA LAHAT:
ang SMART TELECOMMUNICATIONS ay inatasang magbigay ng BUSINESS na E-LOAD sa mga nasawi at ng CELLPHONE UNIT sa bawat pamilya bilang TOKEN OF GRATITUDE sa pagpapa-ubaya ng kanilang mga mahal sa buhay sa DAKILANG TUNGKULIN ng PaG-AALAY NG SARILING BUHAY.
+
+
editors note: kapag may pumaslang sa akin bukas, asahan niyong ang dapat sisihin ay ang mga ALAGAD NG WOWOWEE sapagkat binunyag ko ang kanilang sikreto.
AT HIGIT SA LAHAT: hindi ako sugo ng GMA 7. mas pipiliin ko pa ang CHOW TIME. higit sa CORNY, NAPAKAHARMLESS pa.
Currently listening to: Atreyu's Her Portrait In Black
Currently reading: Psychiatric Journals Vol. IX
Currently feeling: Idealistic