Chris Cornell - Billie Jean

The Farthest Point From The Sun

Free Hit Counters
Free Hit Counters

Entries for January, 2005

December 31st, 2004

Pulbura

Aso na nagkalat
Sa sanlibutang salat...
Hindi magpapapigil sa
Kalam ng laman.

Maipakita ang katunayan
Na walang gutom o pighati
Ang gumagapos
Kung hindi isang pagbabagong-anyo...

Mula sa talampakang madungis,
Paroon sa tahanan ng mga imortal.

Tunay na ika'y mangmang
Sa mga lakad ng katotohanan.

Dili lungkot...
Dili dusa...

Ang nagtatago sa likod ng
Maskara...
Kung hindi pagmamayabang...
Na ang isa ay diyos ng iba.


hindi ako naniniwala na ang Pilipinas ay naghihirap...

kung nagawa ngang mag-aksaya ng salapi sa mga paputok na kalahating segundo lang tumatagal e...

Posted by bacchanale at 08:14 PM | Cleanse me

January 3rd, 2005

Insomnia

the curse is once is again revived...

from the whispers of the moon to another twilight...




he's home and we have to take the day off yesterday to get back at things. reunited. grown. decided there is none if one is without the other.

i already gave the gift and the pair of rubies shed another pail. happy birthday, dear.

i never called him that before.

and he never told me that he'll soon have a job.




younger jann knew she'd grow up and become a lawyer before anything else.

but the present one wants things her own way...without thinking the consequences.

Posted by bacchanale at 08:38 AM | Cleanse me

January 5th, 2005

...and there were all manner of tortures in that place: cruel darkness and unillumined gloom, and there is no light there, but murky fire constantly flaming aloft, and there is a fiery river coming forth, and that whole place is everywhere fire, and everywhere there is frost and ice, thirst and shivering, while the bonds are very cruel, and the angels fearful and merciless, bearing angry weapons, merciless torture.

-- Slavonic Enoch 10:1



there is an endless, eternal torment that lives within our heart. there are just some who prefer to convince themselves that such place never existed. every beat is unending to those who rather listen...fire is to fire, and comfort is to the one who conceals.

i bid pain away...but somehow it had managed to find me. now, i am naked within its palms...i grieve not for me but to those who chose to deny me for my words would never be enough to turn every tear to stone...but my wrath will.

Posted by bacchanale at 06:57 PM | 5 Granted Salvatio

January 6th, 2005

There is this thing they call Drunk Driving...

But i am master in Drunk Walking...

I swear not to drink my heart out whenever there's classes. I forget everything and i say things i don't mean.

Like awhile ago, i told them i'm rich as hell.

Hell no. I'm not.

Fell as sleep for a while...BAck onmy foot...

I think i'm going to throw up.

Posted by bacchanale at 06:29 PM | Cleanse me

January 8th, 2005

PAGNAMATAY AKO SA ORAS NA ITO, BIGYAN NIYO AKO NG PAPER CRANES SA BUROL. SERYOSO AKO.

Posted by bacchanale at 12:59 AM | 10 Granted Salvatio

January 9th, 2005

tun

hindi ako sumasang-ayon o natutuwa man sa pagbabagong ito ng tabulas...

kaya gusto kong mag-isip.







naiinis ako sa mga pangyayari sa mundo.. dalawa lang kasi ang uri ng tao dito...ang maganda, at ang matalino. panu ko yun nasabi?

kasi may kakilala ako. kinahuhumalingan ng mga lalake dito sa aming paaralan. todo kolorete ang mukha. maganda ang tindig at kutis...parang singkamas. tila bulubundukin ng sierra madre ang dinadala niyang kargada, at lagi siyang naka "pipigain-ko-ang-balakang-mo" na hipster.

pero kanina lang tinanung siya sa klase...madali lang ang tanung...anu daw ba ang Social Groups? paulit-ulit na naming tinalakay yun,...mas marami pa nga siyang araw na pumasok sa akin...pero pareho kaming walang maisagot. haha...

ok na sana. bigalang humirit..."sir, pass..." sabay tawa.

ay grabe.

gusto ko humagalpak ng tawa. kaso iregular na estudyante ako. ayoko makuyog.




samantalang may kakilala ako. mataba. maliit. malibag. at lahat na siguro ng kamonsteran sa mundo...pero matalino. maswitik sa buhay. alam kung kanino siya didikt at anung istorya ang kanyang pakukuluin para maging malaki sa paningin ng iba. oo, masama. pero, MATALINO. MARUNONG DUMISKARTE.



pero kung ako tatanungin niyo, ok na ako sa ganito. hindi matalino. hindi maganda. masgugustuhin kong TAMAD, BATUGAN, MABAHO, at TABLA ang itawag sa akin. sa ganitong paraan, walang kumpitensiya. walang ibang pwedeng ibato. maliban na lang sa tunay na bato na, sa totoo lang ay nasakit kaya wag.


kung ganito na lang kaya mga ilagay ko dito sa tabulas ko? nakakapagod ng tumula tunkol sa malungkot na buhay........................................................................................................................................................................












joke lang.

Posted by bacchanale at 05:47 PM | 2 Granted Salvatio

January 11th, 2005

lament...

aba...ginawan ako ng kanta ng loko...

ito o:

you can't blame me
for what i feel today,
but only you can take this ugly
feeling away...
just don't go.
don't go.

lament
that's what i feel...
lament
i only hope it stay
for only a day...
'cause you're not with me today...





sige na, para na siyang keso sa sobrang kacheesihan, pero ano naman? gawa yan ng asawa ko. oo, asawa. kung di kayo maniniwala, ilalabas ko singsing ko.

naransan niyo na ba maksabay ang isang partikular na tao tuwing ganoong oras at sa ganoong lugar, araw araw? ay ako, oo. kakaiba nga e. kilala ko na siya dati pa kasi pirata siya sa recto at sa kanya ako bumibili, pero hindi kami malapit sa isa't isa. tama na yung "oi, kamusta?"

nakakasabay ko siya lage. nakakaloko. edi, hindi ko siya pinapansin. bakit ba? hindi ko obligasyon yun. maliban na lang siguro kung binigyan niya ako ng sampung (sige, kahit lima ayos na) cd.

ang liit ng mundo talaga.

biruin mo, si harry at si andrew ay iisa lang? pano na sila margaret at stephanie?




paano kaya kung isa lang pala tayong laro o kaya pelikula na pinanonood ng mga nananahan sa itaas? o kaya isang sistema sa isang programang pinatatakbo ng mga robots? na sa ganitong oras, ito ang mga mangyayari, at sa tuwing masisira ang sistema, may pagkakataon tayong ulitin yung nakaraan?

pag ganun ang mangyari, ang gagawin ko, di ako magmamadali nung highschool ako. hahayaan ko munang hindi ako maka-graduate para hindi ako ngayon sa kolehiyo na pinapasukan ko sa isang bulok na kurso na puro na lang ambagan ng roxas ang nangyayari. MAGJOJOURNALISM AKO!!!! yun naman talaga kurso ko dapat. pero tanga ako. nagmadali ako. tuloy, MANAGEMENT na ako. ang layo...


pero ayos lang. kung nagjournalism ako, hindi ko siya nakilala. siguro hanggang ngayon, siniko ako. siniko. hindi sindikato.

sabi nga pala niya na para daw akong sindikato. pati mga pautang niya, hinihingan ko ng porsyento.

ang tawag diyan ay conjugal property...with interest. angal?

magpapatattoo nanaman daw siya dahil madami siyang pera ngayon. tigilan nga. basta ba libre niya pagpapahikaw ako, ayos na.

at kung sakali man na mabasa mo 'to, linabas ko na kanta mo. wala ka ng magagawa. ngayon kung aangal ka, sana si mother theresa na lang pinakasalan mo.




bati tayo....baon ko bukas :)

Posted by bacchanale at 01:11 AM | Cleanse me

wala nanamang klase...

ang mga guro ay binabayaran upang pumasok at mag-turo sa mga estudyante. hindi para mag-leave at mag-iwan ng mga takdang aralin!

yan ang aking paninindigan............sa ngayon.

pumasok kasi ako ng maaga. pero nagutom ako kaya kumain muna ako. pagdating ko sa una kong subject, nagsisimula na...at late na ako ng trenta minutos.

kasalanan ko. sige. pero naisip ko, wala namang ginagawa dun. bakit ako manghihinayang? hindi na ako pumasok.

tapos ngayon ay theology ko. handa na ako pumasok. nagawa ko na ang papel na pinapagawa sa akin. ginandahan ko, aba! kailangan ko ng magandang grado...

tulas ng dati, sa labas ako ng silid-aralan nag-abang. lumabas ang ilang kaklase....wala daw pasok.

teka...di pwede mangyari yun. unang-una sa lahat...DAHIL PUMASOK AKO AT MAYROON AKONG GINAWANG PAPEL.

hindi naman nangyayari to pagtinatamad ako a? bakit ganun?

bakit yung propesor na ayaw ko pumasok, pumapasok?

bakit?

bakit?

wala na. hayaan ko na lang. siguro nga wala na akong magagawa. titingnan ko na lang ang mgandang bagay na kahit ganito, hindi ko naman nakita ang mga kupal kong kaklase sa BBE.

oo, kayo. talikuran ko kayong ginagago. di kasi kayo tinatablan ng harapan. mga duwag.

tapos ayun, napagtanto ko, tungulin ng mga guro pumasok sa eskwelahan. hindi yung laging ganito. oo, ako absenera, pero problema ko yun. wala namang naargabyado kundi ako at magulang ko, pati na rin siguro asawa ko. bali apat, kung bibilangin. pero pag umabsent ang isang guro, mahigit kumalang 1000 ang apektado. sa isang klase ay may 48 na estudyante. ilang klase pa ba ang tinuturuan niya? andyan pa ang mga administrasyon ng kolehiyo, pati na rin ang jeepney na dapat niyang sakyan na kikita sana ng 5.50 sa pagsakay niya.

Posted by bacchanale at 01:35 PM | 4 Granted Salvatio

January 12th, 2005

my brother!!!

nakakahiya ang mga taong nangmamaliit ng kapwa dahil lamang sa simpleng dahilan na sa tingin nila, sila'y nakakataas sa iba.

mas lalo namang nakakahiya kung ang laban ay isang barkada laban sa dalawang nilalang.

at kung gusto niyo pa ng pinakanakakahiya, ito yung pagiging maangas pag marami na kayo pero parang bagong tuli pagmag-isa na lang.

pasintabi lamang sa mga konserbatibo ukol sa tuli...ahm....crossing to manhood pala.






nakalimutan ko na pangalan niya e. pero lagi niyang pinariringgan asawa ko. teka nga...ano ba ginawa nun? kasalanan ba niya maging kamukha ni stephen chow? aba...sa totoo lang, isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya. hindi gaya niyo, puro pera pinaiiral niyo. totoo, kailangan ko ng pera pero hinding hindi ako luluhod sa mga talampakan niyo.

sa talampakan na lang ng iba.

ano na ba ang nagawa niyo na masasabing nakahigit kayo sa kanya?

parepareho lang tayong tumatae. parepareho lang mababaho hininga naten sa umaga. parepareho tayong nagmula sa kanal ng ating mga ina, hubo't hubad. pagnamatay ako, hindi ako manghihinayang kasi nabuhay ako ng walang dala, tanggap ko na sa ganoong kalagayan din ako mahihimlay.

walang kwenta ang magagara niyong sasakyan, o ang mga bakal sa inyong ngipin. kahit na ang mga pabango niyong libo-libo, amoy korona naman ng patay o di naman kaya albatross.

hindi kayo dadalhin ng inyong pagka-cono sa kahariang walang dusa, bagkus sa dagat-dagatang apoy na lalaplos sa mga balat niyo.

walang sinuman ang pwedeng umapak sa pagkatao ng kahit sino. pintasera ako, inaamin ko, pero hindi ako namamahiya.

may pagkaka-iba yun.

at sisiguraduhin niyo na pag nais niyong mang-api ng kapwa niyo, consistent kayo. hindi yung pagmarami lang. nagmumukha kasi kayong katawa tawa.























totoo na sa mga api ang huling halakhak. malapit nako humalakhak. itaga niyo yan sa bato...

Posted by bacchanale at 07:01 PM | 2 Granted Salvatio

January 13th, 2005

we shall sustain a hunger
for nothing but the veins of the
corrupted...
for in it flows one truth...
one paying for the forgotten.

pass the venom
for his silence.
his silken tongue, invaded.
and thy mercy offered to the sinful
shall play a role
rooted from a mistake.

now, speak of the lamentations
you dare whispered away
from the listening ear
and tell me of which pain
you knew
i caused.






[img:393341]
[img:369604]

Posted by bacchanale at 11:28 PM | Cleanse me

January 20th, 2005

resto

siguro nga. siguro.

hindi na kasi ako sigurado sa mga bagay-bagay. nakakatawa lang.

nagsarado na pala ang resto na tinutugtugan namin. wala na ulit ang buhay.

hindi man lang kami nagkaroon ng permanenteng bahista. o ledista. puro guest appearance. punyeta.



hindi nga pala ako nakapagmidterms sa dalawang subject. yung isa, nahuli ako kasi naghintay ako. yung pangalawa, nahuli ako kasi.....kasi.......basta.


naisip ko lang kung gaano tayo madalas mapaglaruan ng kapalaran. madalas lang tayo udyukin ng katotohanan na pilit nating tinatago noon. kahit na anong gawing kubli, lilitaw at lilitaw pa rin. at ang nakakatuwa dun, sa oras na ayaw mo na siyang lumitaw.

nalulungkot ako para sa kanya. dati may pangalan pa siya. ngayon, tila wala na. ang pangalan niya ang sisira sa pagkatao niya. tunay na naglaho na. pero nalulungkot ako para sa kanya.

gusto ko na ulit magtraining. hindi ko alam. wala na kasi akong ginagawa sa buhay ko.

nauubos pera ko ng ganun-ganun lang.

naiirita pa ako pag nakikita ko sila. panu, akala mo kung sinong magagaling. nakita ko na tunay na anyo niyo. naloko ako. akala ko tama na paniniwala ko.



bukas, may bukas pa. pero ngayon sa tingin ko, wala na.

Posted by bacchanale at 03:11 PM | Cleanse me

January 24th, 2005

hang

these tortures
inflict me
that even beside my
own reflection
i see none but
eternal grief.

thy being bestowed
a number of condolences,
too real to
be ignored.

resentment.
microscopic details
of mistakes.

how could i?
unvictimize myself...
reverse...

heal.
regenerate.
listen, body.
obey as i commanded.


Posted by bacchanale at 12:34 AM | Cleanse me

some things

there are somethings that are best forgotten.


yeah right.


as for me, revenge is still the best way.



bwahahaha.

die bitch.

Posted by bacchanale at 12:48 AM | Cleanse me

January 28th, 2005

"you're wrong send"

ano daw?! punyeta. madali lang kasi yan, pare ko, kung di ka marunong mag-inggles, e magtigil ka sa kakagamit nito. walang masama sa tagalog. walang masama magsalita nito. mas tinatanggap pa nga ito kesa sa taglish o yang barok mo na inggles.

tangina.

sabi mo ren model ka. ha?! ikaw?! e kulang na nga lang, ipagdukdukan mo sarili mo sa ABS nung OJT mo e...ano nakuha mo? larawan kasama si Raphael ng Star Circle Quest Batch 1.

hindi man lang si Joross...o sige, kahit si Melissa.

o kaya sana man lang sumali ka sa Walang Sabit na contest diba? baka nga mas mataas pa magiging tingin ko sayo.

ang hirap kasi sa iyo, naging Mass Communication student ka lang, akala mo kung sino ka na umasta sa pag gamit ng lengwaheng yan. pwera diskriminasyon pare, pero para kang langaw na pumatong sa kalabaw.

sa tae ka ren babagsak, pramis.

social climber.

and by the way, it's

"you sent the message to the wrong person."

hindi

"you're wrong send."



at hindi pala QUEBER yun.


QUE VER at ang ibig sabihin nun ay HINDI whatever.


ang ibig sabihin nun ay THAT TO SEE.

trying hard na nga mag-inggles...pati mag espanyol pa.








usted es patetico...

at kung sakaling hindi mo maintindihan...ito na lang...

ukenana.

Posted by bacchanale at 02:56 AM | 6 Granted Salvatio

January 31st, 2005

sine

nanood nanaman kami ng sine. dalawang araw na diretso na. aba...madami yata kaming pera ngayon. at binilihan namin si Sakai ng damit. ang landi.

bukas, balik-aral nanaman. nakakapagod.

pero pinaka maganda ang nangyari nung kahapon ng kahapon...kumatok siya sa gate. galit ako.

pagbukas ko, may rosas.

puti at pula.

umiyak ako. biglang may yumakap sa akin.

"sorry bangus, pero iyakin ka talaga e."



wala akong magawa. pinili ko siya. ang dami naming pagkakapareho na sa bawat oras, sumasabog kami.

pero wala na akong magagawa. ako si bangus. ang sagwa.






pagkabitaw niya sa akin tinanung din pala niya,

"di ka pa paligo no?"




galing. kilala talaga ako.

Posted by bacchanale at 02:01 AM | 2 Granted Salvatio

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links